Home ENTERTAINMENT Kalat na: Paolo at Yen, split na!

Kalat na: Paolo at Yen, split na!

Manila, Philippines- Wanna find out if any showbiz couple has reached the end of the road?

Take a peek into their social media accounts!

For some time now, naging basehan na ang social media para malaman kung magkarelasyon o hiwalay na ang mga showbiz couples in terms of their posts or absence of these.

Pag burado na ang mga sweet posts sa isa’t isa, tiyak something’s wrong somewhere.

Nito lang, hindi nakaligtas sa mga netizens ang burado nang sweet posts ni Yen Santos kay Paolo Contis.

Dahil dito, the netizens are quick to jump the gun: hiwalay na raw ang dalawa!

Without having to verify it ay sandamakmak na ang mga comments kung confirmed ngang break na ang magkasintahan.

One of the comments reads: “What goes around comes around!”

Still another comment reads: “Kung gaano mo kadali nakuha, ganoon din kadali mawawala!”

Isa pang netizen ang inaasahan na raw mangyayari ito base sa “record” meron si Paolo.

Summarily, parang sa halip na malungkot ang mga netizens sa ‘di pa naman confirmed breakup ay ipinagbunyi pa nila ito.

Hindi ba puwedeng nasa archive lang ni Yen ang mga sweet messages niya kay Paolo?

Hindi rin ba “nilinis” lang ni Yen ang kanyang Instagram account without necessarily trashing her messages?

Just because tahimik these days ang couple means they have broken up.

Sa halip na pangunahan sila, bakit hindi nila hintaying umamin either si Paolo o si Yen sa tunay na estado ng kanilang relasyon?

‘Yan pa naman ang pinaka-pet peeve ni Paolo: ang mga nagmamagaling at nagdudunung-dunungang netizens!

Sinabi naman ni Paolo na pagod na raw siyang sagutin ang isyu. Ronnie Carrasco IiI