Home OPINION NCRPO RD, SIMPLE, COOL PERO ‘ROCK’

NCRPO RD, SIMPLE, COOL PERO ‘ROCK’

NATUTUWA ang inyong Pakurot na hindi tayo binibigo ng regional director ng National Capital Region Police Office na si PMGen Jose Melencio Nartatez, Jr. sa ating mga paanyaya sa kanya na magbigay ng komento o kaya naman ay maging panauhin sa ilang programa o forum.

Kasi nga, marami ang nagsasabi na suplado ito. Hindi lang nila kilala at naniniwala sila sa mga nagsasabi na hindi rin naman talaga lubusang kilala ang opisyal na ito.

Ang mga nagsasabi na masungit itong si Nartatez ay malamang bahagi ng mga pinahindian ng nasabing opisyal. Ito kasing si Nartatez, kilala bilang “Tateng” ay ang klase ng pulis o opisyal na disciplinarian.

Ang baluktot ay hindi niya itinutuwid at ang tuwid ay hindi pwedeng baluktutin. Kaya naman pag-upo pa lang noong Hulyo nilang RD ng NCRPO ay aksyon na agad ang ipinamalas ni Nartatez sa kanyang mga opisyal at tauhan.

May mga dinismis itong mga pulis, sinuspinde, ibinaba ng ranggo, pinagsabihan o binull-out at ibang parusa na nararapat sa mga pulis na nagkasala. Sa madaling salita, marami siyang naparusahan.

Pero kung gaano kahigpit si Tateng sa mga pulis na nagkasala ay napakaluwag naman niya sa mga pulis na nagtatrabaho. Bakit? Umabot na sa mahigit 6,000 pulis ang nabigyan niya ng awards na nararapat sa mga ito dahil sa kanilang ipinamamalas na husay at sipag sa trabaho.

Ganyan ka-cool si Nartatez. He gives to Juan what he deserves. Hindi siya ang tipo ng opisyal na nangangagaw ng karangalan.

Sabi nga nitong RD-NCRPO, nakamit ng kanyang regional office ang anim (6) na sunod sunod na No. 1 sa UPER (unit performance evaluation rating) dahil sa pagtutulong at pagkakaisa ng kanyang mga opisyal at tauhan.

O di ba cool? Pero nang makilala ng todo ng Manila City Hall Reporters Association si Nartatez sa kanilang Balitaan Monthly Forum na ginanap noong Lunes sa Manila Harbour View, nasabi nilang simple lang ito at hindi mapagmataas at mayabang.

Bukod pa ang pagiging simple niya sa pagiging matalim ng kanyang isipan. Aba’y mabilis niyang nakilala at natandaan ang mga reporter na nagtanong sa kanya pati na ang kanilang entity. Kahanga-hanga talaga.

‘Yan si RD Tateng, simple, cool at higit sa lahat ROCK. Bakit? Kasi matigas ang paninindigan.