Home NATIONWIDE P1.6B home loan penalties sa Q1 kinalos ng GSIS

P1.6B home loan penalties sa Q1 kinalos ng GSIS

MANILA, Philippines- Sinabi ng Government Service Insurance System (GSIS) na tinanggal na nito ang mahigit sa bilyong pisong halaga ng housing loan penalties sa first quarter ng 2024.

Sa isang kalatas, sinabi ng GSIS na pinroseso na nito ang ‘debt relief’ para sa 1,143 housing loan borrowers sa ilalim ng Housing Accounts Restructuring and Condonation Program (HARCP) nito.

“The HARCP has waived P1.6 billion worth of penalties and provided P121 million in interest discounts, directly offering relief to homeowners struggling to meet overdue payments,” ayon sa GSIS.

Pinapayagan naman ng HARCP ang borrowers na mas ibaba ang kanilang monthly payments sa pamamagitan ng muling pagsasaayos ng kanilang loans, i-extend ang kanilang repayment periods ng hanggang 10 taon at i-secure ang 50% discount sa natitirang interes kung babayaran nang buo ng mga ito ang kanilang utang.

“Borrowers can also simply pay off their arrears to bring their accounts up to date,” ayon sa GSIS.

Mayroon namang apat na payment options na available para sa  borrowers, ito ay ang payroll deductions, monthly cash o manager’s checks, post-dated checks, o sa pamamagitan ng GSIS Housing Online Payment system.

“The GSIS envisions to help thousands of families under the debt-restructuring program, to lessen the pressures from other financial obligations. This will remove a large amount of stress for many, many families,” ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso.

“Our priority at GSIS is to ensure the well-being of our members and our pensioners. We are fully committed to help our members successfully manage their housing loans and secure their homes,” dagdag ng opisyal.

Winika pa ng GSIS na ang condonation program ay bahagi ng pinalawak na 4PH o Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing initiative ng administrasyong Marcos sa ilalim ng Pabahay para sa Bagong Bayaning Manggagawa ng Pamahalaan (PBBM), kabilang na rito ang pagtatayo ng high-rise residential buildings.

“This move will help these families secure their homes during the most difficult of times. We are here to listen, understand and help them find the best way forward,” giit ni Veloso.

Ang iba pang programa ng GSIS ay ang Lease with Option to Buy (LWOB), kung saan ginawang mas madali ng GSIS para sa mga naghahanap ng bahay.

Tinuran pa ng GSIS na ang LWOB ay isang programa kung saan pinauupahan ng GSIS ang mahigit sa 13,000 available housing units sa buong bansa kung saan ang lessee ay binibigyan ng prayoridad na bilihin ang kanilang unit nang walang down payment. Kris Jose