Home METRO P7.4M marijuana sinilaban sa Kalinga

P7.4M marijuana sinilaban sa Kalinga

MANILA, Philippines – Binunot at sinunog ang marijuana na aabot sa P7.4 milyon ang halaga sa operasyon nitong Hunyo 29 sa Kalinga.

Nadiskubre ng pulisya ang 22,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P4.4 million sa Barangay Butbut Proper at isa pang 15,000 FGMJP na nagkakahalaga ng P3 million sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Matapos maidokumento ang mga marijuana na ito sa tatlong taniman na may kabuuang 2,400 square meters ang lawak ay sinunog na ito on the spot.

Nagdala naman ng sapat na dami ng sample sa Regional Forensic Unit ng Police Regional Office-Cordillera para masuri. RNT/JGC