Home METRO Miyembro ng criminal gang sa region 02, arestado

Miyembro ng criminal gang sa region 02, arestado

164
0

ILAGAN CITY Isabela – Bumagsak na sa kamay ng alagad ng batas ang isang miyembro ng Babaran criminal gang dito sa Region 02 matapos ang isang taong manhunt operation ng Police Regional Office 2 o PR02 sa pamamagitan ng Regional Police Intelligence and Operations Unit – Regional Intelligence Division (RPIOU-RID) at Isabela Police Provincial Office o IPPO sa 13th Avenue, Cubao, Quezon City.

Sa isinilbing warrant of arrest na inisyu noong Hunyo 2023, matagumpay na nadakip si alyas “Benjie,” 42 anyos na residente ng Barangay Remus, Baggao, Cagayan dahil sa paglabag nito sa Republic Act 10591 na kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P120,000.00 at Republic Act 9516 o ang Presidential Decree 1866 on Illegal Posession of Firearms.

Ayon sa Regional Intelligence Division 2, ang Potential Private Arm Grouo o PPAG “Babaran Group” ay nag-ooperate umano sa Lalawigan ng Isabela.

Ang mga Private Armed Group (PAG) ay hindi awtorisadong armadong grupo o indibidwal na kumikilos sa bansa.

Napag-alaman ang Babaran Criminal Gang ay sangkot umano sa ilang serve ng patayan sa lalawigan sa Isabela at karatig probinsya sa rehiyon. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here