Home HOME BANNER STORY Pagdagsa ng Chinese studes sa Cagayan tinatalupan ng PH gov’t

Pagdagsa ng Chinese studes sa Cagayan tinatalupan ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Nagtalaga ang pamahalaan ng Pilipinas ng intelligence agents tupang busisiin ang mga ulat na ilang Chinese nationals na nagpapanggap umanong estudyante ang nagkukumpulan malapit sa military bases kung saan may access ang mga sundalong Amerikano, ayon sa opisyal ng National Security Council nitong Sabado.

Ito ay matapos maghain ng resolusyon ng mga mambabatas upang imbestigahan ang umano’y pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan, kung saan matatagpuan ang dalawang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bases.

 “This is something that is currently being investigated now,” pahayag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa isang news forum.

“Our intelligence units have been assigned to take a look at the situation there. Is this a case of a national security threat or is this just a case of people wanting to study in the Philippines?” patuloy niya.

Nauna nang sinabi ng Bureau of Immigration na halos 1,500 Chinese nationals ang nakatanggap ng student visas noong 2023 mula sa endorsements mula sa isang unibersidad sa Cagayan.

Ang Chinese nationals ay “legally processed” at mayroong “complete documentation,” base sa ahensya. RNT/SA