Home NATIONWIDE Presyo ng gas bababa sa pagrami ng dekuryenteng sasakyan – DOTr

Presyo ng gas bababa sa pagrami ng dekuryenteng sasakyan – DOTr

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na maaaring bumaba ang presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sakaling dumami ang mga de-kuryenteng sasakyan sa mga kalsada sa bansa.

Sinabi ni DOTr Executive Assistant to the Secretary Joni Gesmundo na hindi lamang environment friendly ang mga e-vehicles, ngunit maaari rin itong maging potensyal na “solusyon” sa matagal nang problema ng mga motorista sa mataas na presyo ng gasolina.

Gayunman, sinabi ng opisyal na ang pagsusulong sa mas maraming e-vehicles sa bansa ay dapat kontrolado, dahil marami ang iniuulat na naaksidente habang sakay ng unregulated e-trikes at e-bikes.

“It’s time to regulate itong mga e-bike, e-trike pero hindi nawawala ang kagustuhan namin sa DOTr na mag-shift tayo sa electric vehicles,” ayon pa kay Gesmundo.

Ang pagbabawal sa mga tricycle, puscharts, pedicabs, kuligligs, e-bikes, e-trikes, at light e-vehicles sa may 20 national roads sa Metro Manila ay nagkabisa noong Lunes, Abril 15, 2024.

Nagbigay naman ng palugit ang Pangulong sa nasabing pagbabawal kung saan ang mga lalabag ay hindi bibigyan ng tiket at multa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)