Home METRO Rider, SK chairman tigok sa poste ng kuryente

Rider, SK chairman tigok sa poste ng kuryente

ILOCOS NORTE – Patay ang isang 25-anyos na lalaki at angkas nitong 23-anyos na SK Chairman matapos bumangga sa poste ng kuryente ang kanilang motorsiklo sa Bimmanga, Currimao ng lalawigang ito kagabi, Mayo 6.

Kinilala ng Currimao Municipal Police Station ang driver ng Wave 110 motorcycle na si Aeron Paul Taesa y Pataray, 25, walang asawa at ang angkas nito na si Jeric Allen Garcia y Pataray, 23, walang asawa, SK Chairman, parehong residente ng Brgy. San Pedro, Batac City, Ilocos Norte.

Nabatid na bumibiyahe papuntang timog na direksyon sa barangay road sa naturang lugar ang naturang motorsiklo.

Pagdating nito sa pakurbang bahagi ng kalsada, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumangga sa poste ng kuryente ang motorsiklo.

Parehong nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang driver at ang angkas nitong SK Chairman.

Agad na dinala sa MMMH&MC sa Batac City, Ilocos Norte ang dalawa.

Gayunman, ang dalawa ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso