Home METRO P15M nilamon ng apoy sa bodega sa Binondo, 3 sugatan; residential sa...

P15M nilamon ng apoy sa bodega sa Binondo, 3 sugatan; residential sa Malate, nasunog din

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa humigit-kumulang P15 milyong halaga ang nilamon ng apoy sa isang warehouse sa Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Bureau of Fire Protrction (BFP), nagsimulang nakitaan ng usok sa storage building sa Ritz Royal Tower sa 8th floor Room A ng 20 storey building sa 635 Camba St., sa nasabing lugar.

Pag-aari ng MC Gold Prime Ventures Inc. ang gusali na nasunog ayon sa impormasyon mula sa BFP.

Hindi naman pinangalanan ang occupant ng nasunog na bodega na isang Chinese national.

Umabot naman sa 12 oras ang sunog na nagsimula pa alas 9:33 Lunes ng gabi at naapula lamang alas-9:26 ng umaga ng Martes. Ito ay umabot sa ikatlong alarma.

Tatlong indibidwal din ang iniulat na sugatan sa naganap na sunog.

Samantala, sumiklab din ang sunog sa San Andres, Malate, Maynila kung saan mga light materials na kabahayan ang tinupok ng apoy.

Sa ngayon ay nasa ikalawang alarma na ang sunog na kasalukuyan pang inaapula ng mga bumbero. Jocelyn Tabangcura-Domenden