Home HOME BANNER STORY Buntis, 3 pa patay sa sunog sa Calamba

Buntis, 3 pa patay sa sunog sa Calamba

1
0

CALAMBA CITY, Laguna — Patay ang isang buntis at tatlo pang indibidwal matapos sumiklab ang sunog sa isang gusali sa Barangay Rea, Calamba City madaling-araw nitong Huwebes, Hunyo 11.

Ayon kay Calamba City police chief Police Col. Dennis de Guzman, nakatira ang mga biktima sa ikalawang palapag ng gusali at na-trap sila nang mabilis na kumalat ang apoy.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection na nagsimula ang sunog dakong alas-3 ng madaling-araw. Nadamay sa sunog ang isang bakery at ilang kalapit na establisimyento. Isa pang indibidwal ang nasugatan at agad na nabigyan ng lunas ng first responders.

Ayon sa arson investigators, may narinig na malakas na pagsabog mula sa loob ng gusali bago sumiklab ang apoy.

Patuloy pa ang follow-up investigation at mopping-up operations, habang hindi pa natutukoy ang halaga ng pinsala sa ari-arian. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here