Home HOME BANNER STORY Road closures, rerouting ipatutupad sa Maynila sa Hunyo 12-13

Road closures, rerouting ipatutupad sa Maynila sa Hunyo 12-13

2
0

MANILA, Philippines — Pansamantalang isasara ang ilang pangunahing kalsada sa Maynila simula alas-10 ng gabi ng Hunyo 12 hanggang Hunyo 13 upang bigyang-daan ang mga nakatakdang aktibidad, ayon sa mga awtoridad.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang bahagi ng Roxas Boulevard, Bonifacio Drive, P. Burgos Avenue, Finance Road, at ilang kalsada sa Intramuros, kabilang ang Muralla at A. Soriano Avenue.

Isasara rin sa trapiko ang Jones Bridge at ilang bahagi ng Magallanes Drive malapit sa Manila Central Post Office at Bureau of Immigration. Apektado rin ang westbound lanes ng Kalaw Avenue at Quirino Avenue, pati na ang ilang bahagi ng Maria Orosa Street at mga kalapit na kalsada.

Para mapangasiwaan ang daloy ng trapiko, magpapatupad ng rerouting scheme. Ang mga motorista mula Quezon at MacArthur bridges na papunta sa Roxas Boulevard southbound ay ididiretso sa P. Burgos Avenue patungong Taft Avenue.

Ang mga sasakyan mula Kalaw Avenue ay ililihis sa M.H. del Pilar Street, habang ang mga mula Maria Orosa at A. Mabini streets ay idaraan sa Kalaw Avenue patungong Taft Avenue.

Ang mga motorista mula Bonifacio Drive ay papabalikin sa Anda Circle, habang ang mga mula Binondo-Intramuros area ay maaaring dumaan sa A. Soriano Avenue westbound.

Hindi pahihintulutan ang heavy vehicles, kabilang ang trailer trucks mula Pasay, sa Roxas Boulevard northbound at ililihis sa Pres. Quirino Avenue. Ang mga truck mula Mel Lopez Boulevard o R-10 ay idaraan naman sa inner roads sa ilalim ng designated truck route.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga motorista na asahan ang pagsisikip ng trapiko sa mga apektadong lugar at gumamit ng alternatibong ruta. Ayon sa kanila, nakadepende pa rin sa aktuwal na sitwasyon ng trapiko ang pagpapatupad ng road closures at muling pagbubukas ng mga kalsada. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here