Home METRO Fetus itinapon sa gilid ng kalsada

Fetus itinapon sa gilid ng kalsada

MANILA, Philippines – Itinapon ang isang fetus sa gilid ng kalsada sa Barangay Talao-Talao, Lucena City, Quezon.

Ang bangkay ng sanggol ay natagpuan alas-6 ng umaga nitong Martes, Mayo 7, sa gilid ng eco-tourism road extension.

Ayon sa mga awtoridad, nasa anim hanggang pitong buwan ang fetus na itinapon sa damuhan.

Kasama pa nito ang inunan at umbilical cord ng fetus.

Posibleng kinain na rin ng hayop ang fetus dahil nawawala na ang ilang bahagi ng ulo nito.

Hinihinalang itinapon ito gabi ng Lunes o madaling araw ng Martes.

Iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang nag-iwan ng nasabing fetus sa lugar. RNT/JGC