Home NATIONWIDE Self-confessed gunman sa Percy Lapid case hinatulan ng 16 taong pagkakulong

Self-confessed gunman sa Percy Lapid case hinatulan ng 16 taong pagkakulong

MANILA, Philippines – Hinatulang guilty sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percival “Percy Lapid” si Joel Escorial, ang self-confessed na gunman.

Iniutos ng Las Piñas City RTC Branch 254 na makulong si Escorial ng mula walo hanggang 16 years matapos pumasok sa plea bargain agreement kaya naibaba sa homicide ang kaso sa halip na murder.

Si Escorial ay unang kinasuhan ng murder kasama sina dating BuCor chief Gerald Bantag at Bucor deputy chief Ricardo Zulueta. Sumuko si Escorial at inamin na galing ang utos mula kay Bantag na patayin si Lapid.

Si Bantag ay nananatiling at-large sa kabila ng mga inilabas na arrest order.

Samantala, iniutos ng Las Piñas RTC sa legal counsel ng isa pang akusado na si Ricardo Zulueta na tumugon sa kahilingan ng prosekusyon na maisailalim sa DNA test ang katawan ni Zulueta.

Si Zulueta ay namatay nitong Marso dahil umano sa heart failure. Teresa Tavares