Home NATIONWIDE Senate probe ikakasa vs PNP sa paglusob sa ari-arian ni Quiboloy

Senate probe ikakasa vs PNP sa paglusob sa ari-arian ni Quiboloy

MANILA, Philippines- Nakatakdang maghain ng isang resolusyon ang supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang alamin kung may nilabag na patakaran ang Philippine National Police (PNP) na isinagawang operasyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao City noong Hunyo 10.

Nais umanong malaman ito ni Senador Robin Padilla kaya nanawagan ng imbestigasyon sa Senado sa “unnecessary and excessive force” sa naturang operasyon.

“In serving warrants, law enforcement should take into consideration the totality of the situation at hand which should not in any way violate the dignity of persons … There is a need for the PNP to promote and protect human rights because these very acts are vital to the maintenance of public order, guarantee of public safety, and respect for the rule of law,” ani Padilla sa resolusyon na pormal niyang ihahain sa Martes, Hunyo 18.

“There is a need for the PNP to promote and protect human rights because these very acts are vital to the maintenance of public order, guarantee of public safety, and respect for the rule of law,” dagdag niya.

Sa kanyang resolusyon, nais ni Padilla na hawakan ng nararapat na komite ng Senado ang “investigation in aid of legislation” sa umano’y “unnecessary and excessive force” noong Hunyo 10.

Aniya, mismong Art. II Sec. 4 ng 1987 Constitution “imposes upon the Government the primary duty to serve and protect the people” samantalang Art. II Sec. 11 ng Konstitusyon ang kumikilala sa “State’s high regard to the dignity of every person with a guarantee of full respect for human rights.”

Dagdag niya, may Human Rights-Based Policing (HRBP) policy ang PNP, at iginiit ng guidebook nito na “the first level of its human rights obligations is to respect human rights by refraining from interfering with the enjoyment of people’s rights.”

Base sa mga ulat, nang pumasok sa KOJC ang operatiba ng PNP– kasama ang tauhan ng Special Action Force (SAF) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)– para magsilbi ng arrest warrants kay KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy at lima pa, nasaktan umano ang ilang misyonaryo nang nagkaroon ng tensyon.

“In light of this event, former President Rodrigo Roa Duterte, who has been recently designated as the Administrator of the KOJC properties, issued a statement that the alleged illegal raid was a clear violation of the law, and described it as an overkill in any language,” ani Padilla.

Samantala, ipinunto ni Padilla na binatikos na ang PNP noong nakaraan dahil sa paggamit ng “excessive force” sa pagsisilbi warrants. Kasama rito ang pag-aresto sa may edad na environmental activist sa Pakil, Laguna ng 25 SAF members noong 2022; at ang operasyon na kinasasangkutan ng 18 CIDG personnel at anim na Regional Maritime Unit member na nauwi sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa noong 2016.

“The Revised PNP Operational Procedures dictates that, in the lawful performance of duty, only necessary and reasonable force, should be used to accomplish the task of enforcing the law and maintaining peace and order,” ani Padilla. Ernie Reyes