Home NATIONWIDE Suporta sa zero hunger, food security iniatas sa lahat ng ahensya ng...

Suporta sa zero hunger, food security iniatas sa lahat ng ahensya ng gobyerno

MANILA, Philippines – PAGSISIKAPAN ng gobyerno na tuldukan ang pagkagutom at tiyakin ang food security sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Kaya nga ang panawagan ng Malakanyang ay government-wide approach para mapagtagumpayan ang hangarin ng pamahaalan.

Base sa two-page Memorandum Circular No. 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 19, inatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at instrumentalities at lahat ng local government units na suportahan ang implementasyon ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program.

Ang EPAHP ay isang programa ng Task Force on Zero Hunger, na naglalayong “to institutionalize efforts to mitigate hunger and promote food and nutrition security by linking community-based organizations to prospective markets and providing credit assistance to support food production, processing and distribution.”

“It is imperative for all government agencies and instrumentalities to support the continuous and effective implementation of the EPAHP Program to bolster government efforts towards attaining zero hunger, food and nutrition security, and sustainable agriculture,” ang nakasaad sa MC.

Sa ulat, tumaas ang bilang ng mga pamil­yang Pinoy na nagugutom makaraang makapagtala ito ng 12.6 percent, batay sa la­test survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang naturang percentage ng involuntary hunger rate noong Dis­yembre ay mas mataas sa 9.8 percent noong September 2023.

Sa nakalipas na tatlong buwan, iniulat ng SWS na ang insidente ng pagkagutom ay umakyat ng 5.3 puntos sa Mindanao, 4.0 puntos sa Balance Luzon, at 2.6 puntos sa Visayas samantalang 4.6 puntos sa Metro Manila.

Sa layuning kagyat na matugunan ang pagkagutom, inatasan ang task force na tiyakin ang patuloy at epektibong implementasyon ng EPAHP Program, at magsagawa ng hakbang sa pakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga hakbang na ito ay ang palakasin ang “institutional feeding programs ng partner agencies; palawigin ang credit assistance para suportahan ang food production, processing, at distribution sa partnership kasama ang government financial intuitions; at link participating CBOs sa mga prospective markets.”

May mandato naman ang task force na paigtingin ang probisyon ng farm production technologies at ekstensyon ng serbisyo sa government-assisted family farms at rural based-organizations; at palakasin ang pagpapanatili sa

EPAHP Program sa pamamagitan ng implementasyon ng mga polisiya na makauugnay sa pribadong sektor at i-institutionalize ang mean ismo sa LGUs.

Inatasan din ito na i-adopt ang Community Participation Procurement para hikayatin ang CBOs na magpartisipa sa EPAHP program; at magtatagk, magkumpuni at ayusin ang ‘irrigation facilities at appurtenant structures’ sa irrigable areas sa bansa. Kris Jose