Home NATIONWIDE ₱666.7M nakalaan sa mga magsasaka na tinamaan ng bagyong Kristine—DA

₱666.7M nakalaan sa mga magsasaka na tinamaan ng bagyong Kristine—DA

MANILA, Philippines – MAGLALAAN ang Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) ng ₱666.7 million para sa mga magsasaka na naapektuhan ng Severe Tropical Storm Kristine.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang bagyo na tumama sa pagitan ng Oktubre 22 at 25, naapektuhan ang 86,066 magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng 10 rehiyon, ang Central Luzon, Bicol Region, at Mimaropa (Region 4B) labis ang nakapagtala ng pinakamatinding pinsala.

Ayon kay PCIC President JB Jovy Bernabe, ang bigas, high-value crops, at palaisdaan ay nakakuha ng ‘most damage’, ₱413.6 million para sa bigas, ₱167.9 million para sa high-value crops, at ₱27.7 million para sa palaisdaan.

“We have set aside an initial amount of P667 million for insurance payments to around 86,066 farmers,” ang sinabi ni Bernabe.

Ipinag-utos naman ni Laurel sa PCIC na madaliin ang claims processing, binigyang-diin ang pangangailangan para sa ‘rapid assistance’ para matulungan na makabangon ang mga magsasaka.

“The pace of recovery for agriculture after a disaster like this will be determined by how quickly the government can provide inputs and financial assistance to farmers and fisherfolk,” ang tinuran ni Bernabe.

Sa kabilang dako, ipinag-utos na aniya nya sa DA agencies na maghanda para sa damage assessments at tiyakin ang agarang tulong kung kinakailangan.

“That is why I have ordered all agencies of the Department of Agriculture, including attached corporations such as the NFA (National Food Authority) and PCIC, to conduct quick needs assessments so that help can be provided immediately,” aniya pa rin.

Winika pa ng ahensiya na, tanggap na rin nito ang potensiyal na epekto ng Super Typhoon Leon, sa kabila ng pagtataya upang maiiwasan ang landfall, makapagdulot ng panganib dahil sa gale-force winds at paglakas ng bagyo ng hanggang 12 meters high. Kris Jose