Home METRO ₱7.7M ismagel na yosi nasabat sa Zambo

₱7.7M ismagel na yosi nasabat sa Zambo

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek at nakumpiska ang ₱7.7 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang operasyon sa Leon B. Postigo, Zamboanga del Norte nitong Martes.

Ayon kay Brig. Gen. Roel Rodolfo, bagong talagang direktor ng Police Regional Office sa Zamboanga Peninsula (PRO-9), ang mga suspek, edad 29 at 47, ay nahuli sa isang checkpoint operation sa Barangay Poblacion bandang alas-4 ng hapon.

Ang Zamboanga del Norte Provincial Intelligence Unit at lokal na pulisya ay nakahuli ng trak na may kargang 136 master cases ng assorted undocumented cigarettes na walang graphic health warnings, isang paglabag sa Republic Act 10643.

Hinikayat niya ang publiko na mag-ulat ng mga ilegal na aktibidad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang matulungan ang kaligtasan ng komunidad.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay ibibigay sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon. RNT