Home ENTERTAINMENT Pepe, ‘binugbog’ ni Kitkat!

Pepe, ‘binugbog’ ni Kitkat!

Manila, Philippines- Mukhang maganda ang pasok ng suwerte sa komedyanteng si Pepe Herrera.

Magkasunod na proyekto ang kanyang ginagawa pagpasok ng bagong taon.

Matatandaan ginulat ni Pepe ang moviegoers nang gumanap ito sa karakter ni Lods (Hesus Kristo) sa Rewind noong 2023.

Ngayon nama’y ang katauhan ni Satanas ang ginagampanan ni Pepe sa pelikulang Sampung Utos Kay Josh.

Ang Sampung Utos kay Josh ay pinagbibidahan nina Pepe at Jerald Napoles.

Balita ring matatapos na ang comedy film na unang pagbibidahan nina Pepe with KitKat, ang “Pranks n Tandem”.

Ayon sa director ng comedy film na si Direk Franco Arce, first time nilang makatanggap ng maraming request na pagsamahin ang dalawa.

“Una silang magsasama at base sa nakikita namin, may chemistry ang tandem ng dalawa,” sabi ni Direk.

Gagampanan nina Pepe at Kitkat ang magkalabtim at magka-partners sa lahat ng bagay na inlalarawan bilang katatawanan.

Sa script reading ng Pranks in Tandem, kuwento ni Kitkat, “Kami ang magkapareha ni Pepe. May mga aksiyon, may bugbugan,” natatawa niyang kuwento.

Kawawa daw si Pepe sa bugbog na inabot nito.

Buwelta ni Kitkat, “Sana si Janno(Gibbs) ang partner ko dito, para makaganti ako sa kanya. Bugbog-sarado siya tiyak sa akin,” biro pa ni Kitkat.

Dito namin napag-alaman na hindi pa rin daw sila okay ni Janno pagkatapos ng isyu ng dalawa sa isang programang pinagsamahan nila sa TV5 kung saa’y minura siya ng singer comedian.

Tanong namin sa comedienne, hindi pa ba sila nagkakaayos ni Janno?

Sagot ni Kitkat sa amin, “Ni sorry nga, wala!” Ador Saluta