Namigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ₱9.88 milyon na cash aid sa 1,711 pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng ₱5,775 sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay mula sa La Castellana, La Carlota City, at Bago City.
Ayon kay DSWD-Western Visayas Director Arwin Razo, ang tulong ay makatutulong sa pagtugon sa agarang pangangailangan ng mga pamilya. Maliban sa food packs, nagpadala rin ng water tankers at treatment units sa La Carlota dahil sa kontaminasyon ng pinagkukunan ng tubig.
Mahigit 5,000 katao ang nasa evacuation centers at higit 8,000 ang nakikituloy sa kamag-anak. Nananatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan. Santi Celario