Home NATIONWIDE Tuta binalibag ng senglot sa Pasig; paa pwedeng maputol

Tuta binalibag ng senglot sa Pasig; paa pwedeng maputol

88
0

MANILA, Philippines – Maaaring maputulan ng paa ang isang tuta na si “Kikiam” matapos bugbugin ng isang lasing na lalaki sa Barangay Santolan, Pasig City.

Ang suspek, na pinsan ng may-ari ng aso, ay nakuhanan ng video habang binabalibag sa semento at hinahampas ng tsinelas ang tuta.

Ayon sa mga saksi, nagwala ang lalaki at sinabing kinagat siya ng aso, ngunit walang nakitang kagat ang mga opisyal ng barangay.

Ayon sa beterinaryo, may bali ang buto ni Kikiam na maaaring mauwi sa pagputol ng paa.

Nagtago na ang suspek habang nagbabalak ang may-ari ng aso na magsampa ng reklamo.

Mariing kinondena ng PAWS ang insidente at pinaalalahanang labag sa Animal Welfare Act ang ganitong uri ng kalupitan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here