Home METRO Tumatakbong mayor sa Zambo City natagpuang patay

Tumatakbong mayor sa Zambo City natagpuang patay

MANILA, Philippines – Natagpuang patay si Orlando San Luis Negrete, isang 80-anyos na mayoral candidate sa Zamboanga City at chairman ng Zamboanga Militia, sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Guiwan noong Martes, Abril 22, 2025.

Natagpuan ang katawan ni Negrete na nakaupo sa garahe ng kanyang bahay ng isang kasamahan sa milisya matapos hindi siya sumagot sa mga tawag mula sa mga miyembro ng milisya.

Dahil dito, nagdesisyon silang pumunta sa kanyang bahay upang alamin ang kanyang kalagayan.

Si Negrete, na may altapresyon, ay pinaniniwalaang namatay ng mga natural na sanhi ilang araw bago ito matagpuan.

Siya ay tumatakbo bilang isang independent na kandidato para mayor sa nalalapit na halalan. RNT