Home NATIONWIDE 1.2M bagets nabakunahan na ng DOH vs measles outbreak 

1.2M bagets nabakunahan na ng DOH vs measles outbreak 

MANILA, Philippines- Umabot sa 1.2 milyon ang mga batang nabakunahan ng Department of Health laban sa measles o tigdas.

Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, pinakamaraming nabigyan ng bakuna ay ang mga bata mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. 

Ito ay dahil nagkaroon ng outbreak ng tigdas sa nasabing mga lugar kung kaya’t kinailangan ng DOH na magsagawa ng massive vaccination. 

Sa pamamagitan ng kanilang ugnayan sa Department of Education at Local Government Units ay naisakatuparan ang pagbabakuna sa 1.2 milyong bata sa loob lamang ng taong 2024.

Samantala, 939,062 o 59.92 porsyento ng mga target na estudyante ang nabakunahan para sa Grade 7 level. Para sa tetanus-diptheria (TD), 1,106,389 (67.37 porsyento) na mga mag-aaral sa Grade 1 at 937,056 (59.75 porsyento) na mga mag-aaral sa Grade 7 ang naprotektahan. 

Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang may pinakamataas na bilang ng Grade 1 students na nakatanggap ng MR (97.51) at TD (97.33) na bakuna, na sinundan ng Caraga Administrative Region (CAR) na may 95.58 percent para sa MR at 95.57 percent para sa TD; at Northern Mindanao na may 94.82 percent para sa MR at 94.73 percent para sa TD.

Ang Northern Mindanao ang may pinakamaraming bilang ng mga mag-aaral sa Baitang 7 na nakatanggap ng MR (94.88) at TD (94.82) na jab, na sinundan ng CAR (na may 93.44 porsyento para sa MR at 93.44 porsyento para sa TD); at Caraga (na may 91.80 porsyento para sa MR at 91.78 porsyento para sa TD).

Para sa proteksyon ng human papilloma virus (HPV), 505,010 (59.75 porsyento) na mga babaeng estudyante sa Grade 4 ang nabakunahan. 

Ang nangungunang tatlong rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga estudyanteng nabakunahan ng HPV ay ang Caraga na may 123.18 porsyentong saklaw; Ilocos Region, 100.48 percent; at Northern Mindanao, 99.60 porsyento.

Sinabi ni Herbosa na ang dalawang buwang SBIP ay nagresulta sa mababang coverage percentage. Jocelyn Tabangcura-Domenden