Home ENTERTAINMENT Sue, may reax sa halikan nila ni Dom!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sue, may reax sa halikan nila ni Dom!December 19, 2024 10:19 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Looking back, pinagtatawanan na lang ni Sue Ramirez na siya pa ang pasimuno sa “kissing moment” nila ni Dominic Roque months ago.Sa isang bar sa Siargao island nangyari ang insidenteng ‘yon na nasaksihan ng kanilang mga kasama.Hindi na idinepensa pa ni Sue ang kanyang sarili.Kumbaga, lulusot pa ba siya, eh, nagkabistuhan na?“Nakakatawa lang kasi ako pa ‘yung nag-initiate!” ani Sue.Pero prior pala doon ay constant textmates na raw sila ni Dom.While she’s open to the possibility na umabot ‘yon higit sa pagiging magkaibigan, Sue is not in a hurry.Pero sumusumpa siya na friends pa rin ang estado nila ng ex-boyfriend ni Bea Alonzo.For sure, Bea couldn’t care less kung maging magkasintshan sina Sue at Dom.Samantala, hindi mapigilan ni Sue na kiligin kay Piolo Pascual, her co-star in the MMFF entry The Kingdom.Dahil first time niyang makatrabaho ang aktor, ibang-iba raw ang kanyang experience while working with him.Good thing, hindi nadi-distract si Sue sa lakas ng dating ng tinawag niyang “Papa P…!” at work. Ronnie Carrasco III