Home OPINION 6 NA SENADOR HINDI KUMPORME SA 2025 BUDGET

6 NA SENADOR HINDI KUMPORME SA 2025 BUDGET

ANIM na senador ang hindi lubos na sumasang-ayon sa pinal na bersyon ng pambansang badyet sa 2025 na isinumite na kay Pangulong Bongbong Marcos para aprubahan.

Dalawa sa mga ito ang nagsabing hindi sila naimpormahan kung ano-ano ang mga pagbabago meron ang nasabing badyet na inaprubahan Bicameral Conference Committee – sina Senador Imee Marcos at Migz Zubiri ang mga ito.

May mga reklamo naman sina Sen. Bong Go, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Risa Hontiveros at JV Ejercito.

Si Manang Imee ang tumigbak sa Ayuda sa Kapos Ang Kita na P39B ngunit nalaman makaraan na inaprubahan sa halagang P26B.

Sa P26B, meron na rin parte ng mga senador at hindi na lang solo ng mga kongresman gaya ng nangyari sa taong ito na may P13B.

Si Zubiri, hinayang na hinayang sa pagkalagot ng panukala niyang nasa P800 milyong dagdag-badyet para sa Department of Science and Technology at particular ang pagbibigay sana ng mga makabago at dagdag na kagamitan para sa Phivolcs na lumalaban sa lindol at putok ng bulkan at PAGASA na lumalaban sa mga bagyo.

Sina Go, Ejercito at Hontiveros, kabilang sa mga pinakamahalagang usapin ang pagbabayad ng premium ng mga walang maipambayad gaya ng mga senior citizen, People With Disabilities gaya ng mga bulag at iba pa.

Sila ang karaniwang pinagbibigyan ng pribilehiyo sa PhilHealth sa pagiging miyembro ngunit karaniwang galing ang kanilang kontribusyon sa pamahalaan.

Ngayong zero budget ang PhilHealth, mabubura na rin ang ngalan ng mga mamamayang ito at hindi na sila makikinabang sa mga benepisyong PhilHealth?

Sina Gatchalian at Legarda, kinukwestion ang pagkabura ng P12B panukalang badyet para sa computerization program.

At dahil nabasura ang prayoridad mismo ni Pang. Bongbong sa anyo ng STEM o Science, Techonology, Engineering and Mathematics sa ilalim ng computerization program, problemado rin mismo ang Pangulo.

Nakapagtataka lang na wala nang nagrereklamo laban sa AKAP. Milagro sa mga milagro yata ito, hehehe!