Home OPINION SONA KWENTONG PAMBATA

SONA KWENTONG PAMBATA

1
0

NAPAKINGGAN nating lahat ang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos na umaasang higit pa sa listahan ng mga nagawa ng gobyerno. Pangalawa na ito sa huli, kaya ang sukatan dapat ay pagpapatupad, hindi na pangako — ano ang tunay na nabago at ano pa ang kayang tapusin.

Ngunit ang talumpati ay puro bilang ng programang inilunsad, posisyong nalikha, at kagamitang naipamahagi. Puro inputs, activities, at outputs.

Sa public administration: ang badyet ay input, ang pamimigay ng device ay output. Ang outcome ay kung natuto ba talaga ang bata, kung nabawasan ba ang gutom, kung umayos ba ang kita. Kulang ang SONA sa ebidensya ng outcome at impact.

1. Edukasyon: 1.8M na-train sa Artificial Intelligence, 80 libong gurong na-promote, may Smart TV at laptop. Pero ayon sa World Bank (Abril 2026), 91% ng 10-anyos na Pilipino ay hindi makabasa nang may pag-unawa. Ang pamimigay ng gadget ay hindi patunay na may mga natuto.

2. Trabaho: May job fairs at 1,500 na-hire na Senior High School grads. Pero ang employment ay hindi katumbas ng economic security. Nasa 2.41M ang walang trabaho at 15.2% ang underemployed noong Abril 2026 — may trabaho nga pero kulang sa kita at oras.

3. Ayuda: 7.5M pamilya ang makatatanggap ng tulong. Ang pagbibilang ng benepisyaryo ay hindi patunay na nabawasan ang kahirapan. Pinapagaan lang ba ang kahirapan, o tinatanggal ang ugat nito?

4. Bigas: Nasa 2.5M pamilya ang nakatanggap ng “benteng bigas” at may 800 Kadiwa centers. Pansamantalang ginhawa, pero bakit kailangan pa rin ng paulit-ulit na subsidiya? Wala pa ring sagot sa tunay na problema.

5. Kalusugan: Magandang balita ang pagdoble ng PhilHealth benefits para sa batang may developmental disability (90 to 150 therapy sessions). Pero ang affordability ay isa lang. Nasaan ang doktor, therapist, at center sa mga probinsya?

Ang pinaka-ugat: State Capacity. Hindi kulang ang Pilipinas sa plano at batas. Kulang tayo sa maayos, pantay, at tuloy-tuloy na implementasyon. Maraming inanunsyo, kulang sa ebidensya na kaya itong i-deliver nang maaasahan at malawakan.

Hindi sa palakpakan sa Kongreso, hindi sa teleprompter o PR stunt nasusukat ang kalagayan ng bansa. Makikita ito sa jeep terminal, palengke, grocery, at emergency room.

Ang SONA kamakailan ni Marcos, Jr. ay parang ‘space rocket’ na ipinagyabang niyang paliliparin sa susunod na taon pero isa lamang kwentong pambata.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here