MAY “ipinasa” sa ating resulta ng SWS ‘survey’ sa Maynila kung saan BUMABA sa “nakatatakot” na 16-puntos ang porsiyento ng mga Manilenyo na boboto kay ex-Yorme Isko Moreno, kumpara sa resulta ng OCTA survey noong Hulyo, kung ngayon gaganapin ang halalan.
Batay sa SWS suvey na isinagawa sa pagitan ng Oktubre 27-31, 70 porsiyento ng mga Manilenyo ang boboto kay ‘Kois,’ higit na mababa sa 86 porsiyento na pumabor sa kanya sa survey ng OCTA na isinagawa sa pagitan ng Hulyo 8-10.
‘Yun, nga lang, dear readers, survey ng OCTA, 8 porsiyento lang ang boboto kay ‘incumbent’ Mayor Honey Lacuna at 11 porsiyento lang kay Versoza.
Ang ‘translation,’ Bambi Purisima? Wala pa ring katalo-talo si Mayor Isko, hehehe.
Subalit, may isa pang mas mahalagang mensahe ang mga lumabas na survey, mga kabayan, na kahit anong “pagpapabango” ng kampo ni Lacuna ay isang hindi maitatagong katotohanan– “walang ‘wenta”ang kanyang liderato at 3-taong pamumuno sa kapitolyo ng bansa.
Aber, saan ba naman kayo nakakita na sa survey ng SWS, mas mataas pa sa 17-porsiyento ang popularidad ng artistang si Sam Versoza kumpara sa onse porsiyento ni Lacuna, samantalang “hilaw na hilaw” si Verzosa kumpara kay Lacuna na betaranang politiko, ehek, lingkod-bayan.
Sa survey sa hanay ng mga kawani ng City Hall nitong Oktubre muli, ‘from gate-to-wire’ ang arangkada ni Isko (83.9 percent) at sumegundo pa ulit si Versoza (6.1 percent) habang “bugaw” sa datingan si Lacuna (2 percent).
Ano ang dahilan ng mga Manilenyo na mas gusto pang “subukan” si Verzosa na maglingkod sa kanila sakaling sila lang ni Lacuna ang magkalaban sa eleksyon?
Isa lang ang malinaw na mensahe: Teh, may “problema” ka! Yes, ikaw nga!
Abangan!