MANILA, Philippines- Inaasahan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kabuuang 4.5 milyong pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong Disyembre, mas mataas kaysa sa bilang ng mga pasahero noong Nobyembre.
Sinabi PPA spokesperson Eunice Samonte na inaasahang mas maraming pasahero ang magbibiyahe ngayong holiday season dahil mas mababa kumpara sa karaniwang bilang ng mga pasahero tuwing Undas ang naitala dahil sa serye ng bagyo.
Noong Nobyembre, iniulat ng PPA ang kabuuang 1.076 milyong pasahero mula Oct.28 Hanggang Nov.4 na 34 mas mababa kaysa inaasahang 1,622 milyon at mas mababa rin kaysa sa 1.544 milyong pasahero na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinaalalahanan naman ng PPA ang mga pasahero na magdadala ng kanilang mga alagang hayop na kumuha ng shipping permits mula sa Bureau of Animal Industry-National Quarantine Services.
Pinayuhan din ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang sea passengers na laging suriin ang panahon at travel schedules bago umalis ng kanilang bahay at lumagda sa manipesto at magcheck-in online bago ang kanilang boarding.
Pinaalalahanan din ng MARINA ang sea travelers na iwasang magkumpulan kapag sakay ng bangka upang hindi ito tumagilid at iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga tripulante ng barko o opisyal ng daungan. Jocelyn Tabangcura-Domenden