Home OPINION NAGLIGTAS KAY VELOSO SA BITAYAN, SINO-SINO?

NAGLIGTAS KAY VELOSO SA BITAYAN, SINO-SINO?

IPINAGBUBUNYI ng Pinas ang pagkakaligtas ni Mary Jane Veloso sa bitayan sa Indonesia at pag-uwi nito nang buhay sa Pilipinas.

Pero sino-sino nga ba ang mga dapat na pangunahing pasalamatan sa usapin sa gitna ng pag-angkin ng kredito rito?

Siyempre pa, unang-unang si Veloso mismo na nagkwento ng tunay na pangyayari, na ginamit siyang mule o tagadala ng 2.6 kilong heroin mula Malaysia hanggang Indonesia nang wala siyang kamalay-malauy.

Hindi siya pinaniwalaan sa Indonesia noon kaya hinatulan siyang guilty at dapat mabitay sa firing squad noong Abril 28, 2015.

Ang walong nakasabayan ni Veloso, sabay-sabay sila na-firing squad.

ANG KASAYSAYAN

Abril 21, 1910 noong ibiniyahe si Veloso ni Maria Cristina Sergio, bilang kanyang recruiter, para sa isang trabaho sa Malaysia.

Pagdating nila roon, hindi na umano available ang trabaho kaya makaraan ang ilang araw, binigyan siya ng isang linggong bakasyon sa Indonesia kaya pinabiyahe siya roon ng may maleta na naglalaman ng heroin nang hindi niya nalalaman.

Pagbaba niya sa Yogyakarta Airport sa Indonesia, doon na siya nasakote, ibinilanggo at hinatulang nagkasala ng Korte Suprema at mabitay nang pinal noong Abril 28, 2015 sa Nusakambangan, Central Java.

Pero dahil sa walang tigil na pagbabalita rito ng media at ilang human rights organization, kumilos nang todo ang mga pulis at nasakote nila si Sergio at kasabwat nitong si Julius Lacanilao noong Abril 27, 2015.

Mula rito, pumunta ang ilang opisyal ng Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at Department of Foreign Affairs sa Indonesia at inimpormahan nila ang pamahalaang Indonesia sa pagkakadakip nina Sergio at Lacanilao at kinunan ng affidavit si Veloso para sa kaukulang demanda laban sa mga recruiter.

Dahil dito at sa bisa ng ASEAN Mutual Legal Assistance Treaty, pinospon na mismo ni Indonesian President Joko Widodo ang pagbitay ilang oras bago isagawa ito at hinayaan nitong gumana ang hustisya laban sa mga recruiter bilang batayan ng susunod na aksyon ng Indonesia.

GUILTY SA HUMAN TRAFFICKING

Noong August 16, 2016, idineklarang nagkasala sa human trafficking sina Sergio at Lacanilao ng Regional Trial Court of Sto. Domingo, Nueva Ecija, Branch 88.

Ngunit binaligtad ang desisyon ito ng Court of Appeals noong December 13, 2017.

Noong Oct 9, 2019, sa desisyong isinulat ni Justice Ramon Paul Hernando, kinatigan nito ang desisyon ng RTC at pinawalambisa nito ang desisyon ng Court of Appeals at mula rito, naging mahigpit na ang kampanya ng Pilipinas para sa paglaya ni Veloso na nadatnan at ipinagpatuloy na lamang ni Pangulong Bongbong Marcos.

PASASALAMAT

Kaya naman, dapat pasalamatan una ang administrasyon ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo na panahon ng pagkakahuli kina Sergio at Lacanilao ng mga pulis, ni ex-Pres. Nonoy Aquino na humiling ng konsiderasyon kaya pinospon ni Widodo ang pagbitay noong Agosto 28, 2015, ni ex-Pres. Digong Duterte na panahon ng deklarasyong guilty ang dalawa ng RTC noong Agosto 2016 at ng Supreme Court noong Oktubre 2019.

Pero kung wala ang mga desisyon ng mga korte na pabor kay Veloso, hindi nakaya nabitay siya noon pa?