Home METRO P44M pekeng ‘Chanel’ items nasamsam

P44M pekeng ‘Chanel’ items nasamsam

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules na nasamsam ng mga ahente nito ang mga pekeng item, kabilang ang pekeng Chanel products, sa magkahiwalay na operasyon sa Makati City.

Ayon sa bureau, nagpatupad ang mga ahente ng NBI-National Capital Region at ng NBI-Intellectual Property Rights Division ng limang search warrants para sa trademark infringement laban sa mga may-ari, managers, operators ng mga tindahan sa lungsod na ito.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng mga ahente sa iba’t ibang produkto na may brand na Chanel at halagang tinatayang aabot sa P44.4 milyon.

Sinabi ng NBI na nag-ugat ang operasyon sa hiling ng isang law firm na imbestigahan ito at aksyunan. RNT/SA