Home METRO 1.4M lumahok sa foot procession sa Fiesta Señor 2025 sa Cebu

1.4M lumahok sa foot procession sa Fiesta Señor 2025 sa Cebu

MANILA, Philippines – Umabot sa 1.4 milyon ang bilang ng mga deboto na lumahok sa foot procession nitong Sabado, Enero 18 para sa bisperas ng Pista ng Sto. Nino sa Cebu.

Mas mataas ito sa crowd count noong nakaraang taon na 1.2 milyon.

Naging maayos naman ang prusisyon na mas maagang natapos nang dalawang oras kaysa sa inaasahan.

Binawasan ang haba ng ruta ng foot procession ngayong taon mula 6.4 kilometro noong 2024 ay ginawang 5.7 kilometro.

Nagsimulang maglakad ang mga deboto sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu, at agad na nagtungo sa Osmeña Boulevard.

Nang makaabot sa Fuente Osmeña Circle, ito ay kumaliwa sa General Maxilom Avenue, tumawid ng Imus Avenue at pabalik sa Basilica sa pamamagitan ng M.J. Cuenco Avenue. RNT/JGC