IRAN – Pinatay ang dalawang judge sa mismong gusali ng Korte Suprema ng Tehran, Iran.
“This morning, a gunman infiltrated the Supreme Court in a planned act of assassination of two brave and experienced judges. The two judges were martyred in the act,” ayon sa Mizan Online ng judiciary.
Sinabi ng Mizan na kinitil ng suspek ang kanyang sariling buhay matapos ang pamamaril.
Iniulat din na isa katao ang nasaktan dahil sa pag-atake.
Kinilala ang dalawang nasawing judge na sina Ali Razini at Mohammad Moghisseh, kung saan hawak nito ang mga kasong “fighting crimes against national security, espionage and terrorism”.
Ani Judiciary spokesman Asghar Jahangir, “a person armed with a handgun entered the room of the two judges and shot them.”
Hindi pa malinaw ang motibo sa pagpaslang ngunit sinabi ng Mizan na ang suspek ay hindi sangkot sa anumang kaso sa Korte Suprema.
Inilunsad na ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC