Home NATIONWIDE DMW sa Comelec: Ayuda sa OFW ‘wag isama sa spending ban

DMW sa Comelec: Ayuda sa OFW ‘wag isama sa spending ban

MANILA, Philippines – Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang planong paghiling sa Commission on Elections (Comelec) na huwag isama sa spending ban ang pamamahagi nito ng financial assistance sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ani Cacdac, ang agarang pagresponde sa pangangailangan ng mga OFW abroad ay bahagi ng responsibilidad ng DMW.

“Kasi ‘di ba during campaign periods, may mga prohibition(s) on handing out financial assistance at saka sa mga appointments, promotions and transfers,” anang opisyal.

“We usually seek exemption from the Comelec kasi exigency ng service sa linya ng trabaho namin,” sinabi pa ni Cacdac.

Aniya, kung kailangan ng DMW na agarang mag-deploy ng mga staff sa ibang bansa, hindi na umano nila ito mahihintay pa hanggang sa pagtatapos ng eleksyon.

“Emergency na iyon. Kailangan na iyon ng OFWs natin. So, we seek exemption from the Comelec,” sinabi niya.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 11060, sinasabi na kailangan ang certificate of exemption para magpatupad ng mga aktibidad at programa para sa social welfare projects at services sa panahon ng public spending ban mula Marso 28 hanggang Mayo 11.

Nauna nang binigyan ng exemptions ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 28 programa nito sa ilalim ng mga kondisyon na walang kandidato o politiko ang mamamahagi ng ayuda, at dapat abisuhan ang Comelec ng mga panuntunan.

Dahil dito ay hindi sakop ng ban ang “release, disbursement or expenditure of public funds” ng DSWD. RNT/JGC