Home METRO 1.7 kilo ng ipinuslit na karne, nasamsam sa Chinese restaurant

1.7 kilo ng ipinuslit na karne, nasamsam sa Chinese restaurant

249
0

CEBU CITY- NAHAHARAP ngayon sa patung-patong na kaso ang may-ari ng isang Chinese Restaurant matapos masamsam ang nasa 1.7 kilong illegal na mga karne.

Sa pinagsamang operasyon ng Department of Agriculture (DA)-Inspectorate and Enforcement Unit at ng National Meat Inspection Service, bandang 2:52 ng hapon ay nasamsam sa loob ng Luys Classic Teahouse sa Mabolo, Cebu City, ang mga iligal na karne ng pato, gansa, itim na manok at baboy.

Ayon kay DA Assistant Secretary James Layug, nabigo ang restaurant na magpakita ng certificate of meat importation (COMI) at posibleng maharap ang may-ari ng kainan sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10611 o Food Safety Act of 2013, at Republic Act No. 10845,o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Sinabi pa ni Layug, na ang operasyon ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na labanan ang agricultural smuggling upang matiyak ang food safety at food security. Mary Anne Sapico

Previous article220 residente inilikas sa baha sa Pagadian City
Next articleQC LGU nakipagtulungan sa UNDP, Japanese gov’t sa pagpapalakas vs food waste

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here