Home NATIONWIDE QC LGU nakipagtulungan sa UNDP, Japanese gov’t sa pagpapalakas vs food waste

QC LGU nakipagtulungan sa UNDP, Japanese gov’t sa pagpapalakas vs food waste

213
0

MANILA, Philippines – Nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa United Nations Development Programme (UNDP) at Japanese Government para sa paglalagay ng mga biodigester at food waste-on-wheels sa mga urban farm at barangay.

Ayon sa QC government, ang mga biodigester ay mayroong biogas digester system na ginagawang biogas ang mga organikong basura tulad ng mga scrap ng pagkain at dumi ng hayop. Ito ay maaaring gamitin sa pagluluto at ang likido ay maaaring gamitin bilang soil conditioner para sa paghahalaman.

Sa pamamagitan ng UNDP’s Accelerating Nationally Determined Contribution through Circular Economy in Cities o ang “ACE Project”, ang lungsod ay nakatanggap ng bagong six-wheeler truck na magkokolekta ng biodegradable na basura mula sa mga komunidad, at 25 biodigester na ilalagay sa mga urban farm at barangay.

“We are truly grateful to the UNDP and the Japanese Government for providing the city with the Community to Farm Mobile Organic Waste Recovery System. This will surely help us meet our 50 percent waste diversion target as we gear towards a climate-resilient and low-carbon future,” sabi ni Mayor Joy Belmonte.

Ang 25 biodigester at food waste-on-wheels ay karagdagan sa unang anim na biodigester ng lungsod na nakalagay na sa mga pampublikong pamilihan at mga sakahan ng komunidad.

Bukod dito, pinasimulan na ng lungsod ang iba’t ibang circular economy strategies at ang pagsusulong ng Prevent, Reduce, Recycle, at Recover campaign.

Kamakailan ay nakipagtulungan ang lungsod sa Greenpeace at Impact Hub Manila para sa proyektong “Kuha sa Tingi” na nagpapakilala ng refill at reuse system sa mga community-based na tindahan, tulad ng mga sari-sari store at market stalls, upang matugunan ang polusyon ng plastik sa mga komunidad.

Noong 2021, itinatag ng lungsod ang Trash to Cashback program na nagko-convert ng mga recyclable na basura at single-use na plastic ng mga residente sa Environmental Points, na magagamit nila sa pagbili ng mga grocery at pagbabayad ng kanilang mga utility bill. Santi Celario

Previous article1.7 kilo ng ipinuslit na karne, nasamsam sa Chinese restaurant
Next articleDisenteng sahod sa NUP isinusulong sa Kongreso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here