PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur- INILIKAS ang 220 residente matapos tangayin ng baha ang dalawang bahay bunsod ng malakas na buhos ng ulan, Lunes ng gabi, Hulyo 3 sa lungsod na ito.
Ayon kay Richard Fabria, hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, pansamantalang inilikas sa barangay hall at covered court ang mga residente na nakatira malapit sa sapa na sakop ng Balangasan, Pagadian Ciy.
Inatasan rin ni Pagadian City Mayor Samuel Co ang City Engineer’s Office, para ayusin ang nasirang dike na may 10 metro ang haba sa flood control dike sa kahabaan ng Balangasan River, partikular sa Purok Tabing Ilog.
Namahagi na rin ang lokal na pamahalaan ng mga food packs at damit sa mga evacuees. Mary Anne Sapico