Home NATIONWIDE Philippine-American Friendship Day, sinabayan ng kilos-protesta!

Philippine-American Friendship Day, sinabayan ng kilos-protesta!

252
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang grupo ng kabataan sa harap ng Embahada ng America sa Roxas Boulevard sa Maynila kasabay ng pagdiriwang ng ika-69 taon ng Philippine-American Friendship Day.

Pinangunahan ng grupong Youth for Nationalism and Democracy o YND ang protesta.

Panawagan ng grupo na alisin ang mga sundalong Amerikano sa bansa na nakikibahagi sa Philippine Visiting Forces Agreement o VFA at Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

“The United States hauls the country in its wars. This is the essence of the ironic friendship and defense relationship of the latter with the Philippines. In the Bilateral defense guidelines signed last May 3 the US through the Pentagon tightens its grip in the country and puts it in the line of fire amidst growing tension between the US and China. To pacify the people, we were promised military support and protection during attacks to ocean vessels traversing the Pacific and South China Sea which could also mean further vulnerability to engaging in a war against China during incidents of false flag,” ayon sa pahayag ng YND.

Pinalagan din ng grupo ang umano’y pagpapalaganap ng kulturang pang militar ng pamahalaan sa pamamagitan ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps.

Payapa namang umalis ang grupo sa harapan ng Embahada ng Amerika matapos ang ilang minutong demonstrasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleLaganap na pekeng celebrity endorsement, tatalupan ng FDA, NBI
Next article220 residente inilikas sa baha sa Pagadian City

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here