Home NATIONWIDE Laganap na pekeng celebrity endorsement, tatalupan ng FDA, NBI

Laganap na pekeng celebrity endorsement, tatalupan ng FDA, NBI

368
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na aatasan nito ang Food and Drug Administration (FDA) na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa paglaganap ng mga pekeng celebrity endorsement ng iba’t ibang hindi rehistradong produkto ng pagkain at droga sa social media.

“Many of my friends, doctor friends who are popular and especially have been victimized for a drug that they did not endorse using their photos taken out of social media – and these are really the scammers. So, this is under the realm—in DOH, this is under the realm of the FDA (Food and Drug Administration) – they are a regulatory agency with police powers,” saad ni Herbosa sa press briefing sa Malacanang.

Kaya naman aniya inatasan niya si FDA head Sam Zacate na makipag-ugnayan sa NBI upang malaman ang pinagmulan nito.

Ayon kay Herbosa, naghain ng kaso sina Dr Willie Ong at Dr Tony Leachon sa NBI Cybercrime Division kaugnay sa paglaganap ng scam.

Nauna rito, inihain ni Senator Jinggoy Estrada ang Senate Resolution No. 666 na nagsasaad na mayroong pagkalat ng mga online marketing materials at impostor page o account na nagpo-promote ng mga hindi rehistradong produkto na nangangako ng paggamot para sa ilang mga karamdaman o benepisyo sa kalusugan na gumagamit ng mga pangalan at larawan ng mga lokal na personalidad at mga kilalang tao.

Tinukoy ni Estrada na ang online scam ay isang malina na paglabag sa Consumer Act dahil ang mga huwad na medical remedies ay nakikita at ibinabahagi ng maraming tao, na nagbibigay sa kanila ng hindi tumpak na impormasyon tungkol sa bisa, kalidad, at kaligtasan ng pagkain, gamot at mga produktong pangkalusugan ay nakikita at ibinabahagi ng maraming tao, na nagbibigay sa kanila ng hindi tumpak na impormasyon tungkol sa bisa, kalidad, at kaligtasan ng pagkain, gamot at mga produktong pangkalusugan.

Kailangan din aniyang i-update ang mga umiiral na batas at regulasyon ng bansa, kung isasaalang-alang ang nakababahala na paggamit ng malisyosong manipulahin na mga larawan, mga pinagdugtong na video, at mga gawa-gawang pahayag sa pagsulong ng mga produktong pagkain at kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here