Home NATIONWIDE Seismic activity sa Mayon mas tumaas – PHIVOLCS

Seismic activity sa Mayon mas tumaas – PHIVOLCS

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng tuloy-tuloy at lumalakas na volcanic earthquake ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon.

Sa abiso, sinabi ng Phivolcs na simula alas-3:47 ng hapon nitong Lunes, Hulyo 3, ay tuloy-tuloy ang mga naitatalang lindol hanggang nitong Martes ng hapon, Hulyo 4.

“These events last approximately 11 seconds and recur at intervals of 5 seconds,” ayon sa ahensya.

“This resulted in an abrupt and sustained increase in the level of seismic energy release beginning 03 July 2023,” dagdag pa niya.

Naitala rin ng satellite ang mas mataas na sulfur dioxide emission nitong Lunes.

Samantala, namataan din ang dalawang minutong dome-collapse ng PDCs sa 1 hanggang 2 kilometro mula sa bunganga ng bulkan sa Basud Gully at Mi-isi Gully, at Bonga Gully.

Iniulat naman ng mga residente ang ashfall sa Guinobatan at Ligao, Albay.

Nananatiling nasa Alert Level 3 ang babala ng bulkang Mayon sa kabila ng tumataas na seismic activity. RNT/JGC