Home METRO 1.8K nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo

1.8K nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo

MANILA, Philippines – Aabot sa 1,800 katao ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang sunog sa housing site sa Barangay 105, Tondo, Manila.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa Building 29 bandang 10 ng gabi nitong Huwebes, Marso 21, at kumalat sa nasa 200 tirahan.

Naapektuhan nito ang 600 pamilya o nasa 1,800 indibidwal. Karamihan sa mga ito ay wala nang naligtas na mga gamit.

Sa insidente, napaulat na nabasag ang windshield ng isang firetruck matapos na batuhin umano ng isang residente.

Iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang posibleng dahilan ng sunog.

“Yung lugar natin masikip. Ang makakapasok lang is yung pumper natin kaso ang problema yung mga tao rin naglalabasan [so] hindi rin makapasok lahat. Mahirap, yung water mahina kaya medyo natagalan,” ayon kay BFP Manila Intelligence and Investigation Section Fire Senior Inspector Mark Anthony Marquez.

Samantala, dalawang fire volunteer nman ang nasaktan sa sunog.

Idineklarang fire under control ang sunog bago mag-1 a.m. nitong Biyernes. RNT/JGC