Home HOME BANNER STORY QC, Pasig nagdeklara ng pertussis outbreak

QC, Pasig nagdeklara ng pertussis outbreak

MANILA, Philippines – Opisyal nang nagdeklara ng outbreak sa pertussis ang Pasig at Quezon City.

Ayon sa Pasig City LGU nitong Biyernes, Marso 22, pinaigting na nila ang public health response sa mga barangay sa mga iniulat na kaso ng sakit para sa kanilang vaccination efforts.

Hanggang nitong Biyernes ng umaga, mayroon nang 17 kumpirmadong kaso ng pertussis o whooping cough sa lungsod.

Sa nasabing bilang, dalawang sanggol ang nasawi. Ito ay isang 1-month old na lalaki at 2-month old na babae.

Mayroon pang walong probable case na naghihintay ng kanilang test confirmation.

Siniguro naman ng lokal na pamahalaan na mayroon silang sapat na bakuna at post-exposure prophylaxis para labanan ang nagpapatuloy na whooping cough outbreak.

Nauna nang kinumpirma ng Quezon City ang outbreak ng pertussis sa 23 kaso hanggang nitong Miyerkules.

Apat sa mga ito ay mga sanggol na nasawi dahil sa sakit.

Ang pertussis ay sanhi ng bacteria na tinatawag na Bordetella pertussis at naipapasa sa pagbahing o pag-ubo. RNT/JGC

Previous article2 paslit natagpuang-patay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Pampanga
Next article1.8K nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo