Home HOME BANNER STORY 2 paslit natagpuang-patay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Pampanga

2 paslit natagpuang-patay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Pampanga

Photo courtesy of Jim Jim Hipolito

MANILA, Philippines – Natagpuang-patay ang dalawang bata sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Angeles City, Pampanga.

Rumesponde sa natanggap na tawag bandang alas-2 ng hapon nitong Biyernes, Marso 22, ang mga tauhan mula sa Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) patungkol sa mga bata.

Sa kabila nito, hindi na naabutan pang buhay ng mga rescuer ang dalawang bata edad 2 at 3 sa loob ng sasakyan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na hinahanap na pala ng kanilang mga magulang ang dalawang bata na nawawala.

Sa CCTV footage, nakita ang magpinsan na naglalaro malapit sa sasakyan.

Pumasok ang mga ito sa passenger side ng sasakyan, at kalaunan ay natagpuan na ngang patay sa loob nito bandang alas-2 ng hapon.

Magsasagawa ng autopsy upang malaman ang dahilan ng pagkasawi ng dalawang bata at iniimbestigahan na rin kung paano nakapasok sa sasakyan ang mga ito.

Humingi naman ng paumanhin ang may-ari ng sasakyan sa mga magulang ng bata bagama’t wala itong kinalaman sa pagkamatay ng dalawa. RNT/JGC

Previous articleEasterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Next articleQC, Pasig nagdeklara ng pertussis outbreak