Home HOME BANNER STORY PNP magpapakalat ng 52K pulis sa Holy Week

PNP magpapakalat ng 52K pulis sa Holy Week

MANILA, Philippines – “All systems go” na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng seguridad sa papalapit na Semana Santa.

Ayon kay PNP chief General Benjamin Acorda Jr., nasa 52,000 pulis at 427 K-9 units ang kanilang ipakakalat sa buong bansa upang siguruhin ang kaligtasan ng publiko at sa inaasahang uwian ng mga ito sa probinsya.

“There is sufficient enough personnel or manpower that is deployed in the different areas of concern like roads and even convergence [areas], in ports and airports. Our intelligence monitoring will also continue,” ani Acorda.

“If there is a need to add more, we have a reserve force that we can tap,” dagdag pa niya.

Para naman sa MMDA, nasa 2,300 tauhan ang magiging “on duty” sa ipatutupad nilang “no absent, no leave” policy sa nasabing mga panahon.

Ayon sa BFP, naka-standby din ang 28,000 nilang tauhan at 3,472 emergency vehicles.

Sa hanay ng PCG ay 30,000 tauhan ang ihahanda nila para sa susunod na linggo.

Bagama’t walang banta na nakikita, handa ang PNP at Armed Forces of the Philippines na mas paigtingin pa ang seguridad ng publiko.

“We don’t see any threat. We just want to make sure that we are covered,” ani Acorda.

Samantala, nasa ilalim ng code white ang Department of Health mula Marso 24 hanggang 31, nangangahulugan na ang operations centers nito ay active 24/7 para sa mga emergency.

“It’s a whole [of] government approach. We will have our regular coordination meeting. The DOH will provide the information campaigns advocacy even before this Semana Santa,” ayon kay Maria Belinda Evangelista ng DOH Emergency Management Bureau. RNT/JGC

Previous article1.8K nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo
Next article40 patay sa pamamaril sa concert sa Russia