Home NATIONWIDE 40 patay sa pamamaril sa concert sa Russia

40 patay sa pamamaril sa concert sa Russia

RUSSIA – Aabot sa 40 katao ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan nang walang habas na mamaril ang limang gunmen na nakasuot ng camouflage sa concert sa Crocus City Hall malapit sa Moscow.

Ito na ang maituturing na pinakamatinding pag-atake sa Russia sa loob ng ilang taon.

Sa mga larawan at video, makikita ang apoy at maitim na usok na lumalabas mula sa venue.

Iniulat din ng Russian media ang ikalawang pagsabog sa venue at ang pagharang ng naturang mga gunmen sa gusali.

Ang pamamaril ay nagsimula sa concert ng bandang “Picnic.”

“Suddenly there were bangs behind us – shots. A burst of firing – I do not know what,” ayon sa isang witness sa panayam ng Reuters.

“A stampede began, everyone ran to the escalator,” dagdag pa nito.

“Everyone was screaming, everyone was running.”

Nangyari ang pamamaril ilang araw matapos na muling mahalal si President Vladimir Putin sa panibagong anim na taong termino.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung sino-sino ang mga gunman.

“A terrible tragedy occurred in the shopping center Crocus City today,” sinabi ni Moscow Mayor Sergei Sobyanin.

“I am sorry for the loved ones of the victims.”

Dahil dito ay hinigpitan pa ang seguridad sa mga paliparan at istasyon ng tren sa Russia partikular na sa kabisera nitong Moscow.

“The entire world community is obliged to condemn this monstrous crime,” pahayag ni Foreign Ministry Spokeswoman Maria Zakharova. “All efforts are being thrown at saving people.” RNT/JGC

Previous articlePNP magpapakalat ng 52K pulis sa Holy Week
Next articleJava island sa Indonesia, niyanig ng M-6.5 na lindol