Home NATIONWIDE PhilSA nagbabala vs debris mula sa rocket launch ng Tsina

PhilSA nagbabala vs debris mula sa rocket launch ng Tsina

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Biyernes na nagsagawa nag People’s Republic of China ng rocket launch na tinawag na “Long March 5 Y7.”

Inihayag ng PhilSA na naganap ang launch sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan, China dakong alas-7 ng gabi nitong Biyernes.

Samantala, binalaan nito ang publiko na “expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zones approximately 97 NM (nautical miles) (DZ 1) away from Dalupiri Island, Cagayan and 113 NM (DZ 2) away from Santa Ana, Cagayan.”

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang publiko na ipagbigay-alam sa local authorities sakaling may mamataang hinihinalang debris.

“Unburned debris from rockets, such as the booster and faring, are designed to be discarded as the rocket enters outer space,” anang PhilSA.

“There is also a possibility for the debris to float around the area and wash toward nearby coasts,” dagdag nito. RNT/SA

Previous articleParusa sa e-bikes, e-trikes sa nat’l roads sinisilip ng MMDA
Next article‘Z benefit’ para sa breast cancer patients itinaas ng PhilHealth sa P1.4M