Home NATIONWIDE 248 kolorum na sasakyan nasita noong Abril – LTO

248 kolorum na sasakyan nasita noong Abril – LTO

MANILA, Philippines- Iniulat ng Land Transportation Office (LTO) noong Biyernes na mahigit 240 sasakyan ang nahuli noong Abril bilang parte ng crackdown nito laban sa “colorums.”

Base sa datos ng LTO, may kabuuang 93 motorsiklo, 84 van, 20 truck, 12 passenger jeepney, at 10 bus ang nasita para sa iba’t ibang paglabag.

Naitala sa Calabarzon ang pinakamaraming nahuli sa kabuuang 101, base sa LTO.

Sa kabuuang bilang, 57 motor vehicles ang na-impound dahil sa serious offenses.

“We will continue our campaign in order to send a message to the operators and drivers of colorum vehicles that we will not stop until they are held accountable for their illegal operations,” giit ni LTO chief Vigor Mendoza.

Hinikayat ni Mendoza ang publiko na iulat ang operasyon ng colorum vehicles sa LTO. RNT/SA