Home NATIONWIDE Java island sa Indonesia, niyanig ng M-6.5 na lindol

Java island sa Indonesia, niyanig ng M-6.5 na lindol

INDONESIA – Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Java Island sa Indonesia nitong Biyernes, Marso 22.

Ayon sa geophysics agency ng Indonesia na BKMG, may lalim na 10 kilometro ang lindol.

Kasunod nito ay naramdaman din ang magnitude 6 na lindol, apat na oras matapos ang naunang lindol.

Naitala ang sentro nito 130 kilometro hilaga ng Tuban, sa East Java province.

Inalis naman ang pangamba ng tsunami dahil sa lindol.

Samantala, nasira ang isang tirahan at community building sa Tuban, sa naganap na lindol. RNT/JGC

Previous article40 patay sa pamamaril sa concert sa Russia
Next articleTeves nasa kustodiya ng Timor Leste police habang naghihintay ng deportation