Home NATIONWIDE 25 lugar tustado sa sobrang init nitong Mayo 8

25 lugar tustado sa sobrang init nitong Mayo 8

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang 25 lugar na umabot sa “peligrosong” level ng heat index o damang-init nitong Miyerkules, Mayo 8.

Naitala ng Dagupan City, Pangasinan ang pinakamataas na heat index ngayong araw sa 48 degrees Celsius (°C).

Samantala, naitala naman ang heat index na 46°C sa Aparri, Cagayan at Roxas City, Capiz; at 45°C sa Laoag City, Ilocos Norte at Virac, Catanduanes.

Sinabi ng PAGASA na ang damang-init sa pagitan ng 42 degrees Celsius (°C) at 51°C ay “peligroso” dahil “posible ang heat cramps at heat exhaustion,” at maging ang “heat stroke.”

Ang iba pang lugar na nakaranas ng peligrosong heat index noong Miyerkules ay ang Mariano Marcos State University Station, Batac, Ilocos Norte (44°C); Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City (44°C); Puerto Princesa City, Palawan (44°C); Cuyo, Palawan (44°C); Catarman, Northern Samar (44°C); Bacnotan, La Union (43°C); Iba, Zambales (43°C); Clark Airport, Pampanga (43°C); Central Luzon State University Station, Muñoz, Nueva Ecija (43°C); Aborlan, Palawan (43°C); Dumangas, Iloilo (43°C); Guiuan, Eastern Samar (43°C); Ninoy Aquino International Airport Station, Pasay City (42°C); Tuguegarao City, Cagayan (42°C); Baler, Aurora (42°C); San Jose, Occidental Mindoro (42°C); Lungsod ng Masbate, Masbate (42°C); Mambusao, Capiz (42°C); Iloilo City, Iloilo (42°C); at Dipolog, Zamboanga del Norte (42°C).

Sinusukat ng heat index kung gaano kainit ang pakiramdam kapag pinagsama ang relatibong halumigmig sa aktwal na temperatura ng hangin. RNT