MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki habang inoobserbahan ang isang walong taong gulang na batang babae matapos silang makuryente sa live wire sa Intramuros, Maynila noong Lunes ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Adrian Matados, 30-anyos na tricycle driver at residente ng Cabilao Street.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-11:25 ng umaga habang tumutulong si Matados sa batang biktima na nakahawak sa live wire mula sa isang electrical post sa construction site sa Maibsan Compound.
Sa pagtulong, nakuryente rin si Matados na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Isinugod sa ospital ang dalawang biktima, ngunit idineklarang dead on arrival si Matados habang patuloy na inoobserbahan ang batang babae sa Seaman’s Hospital. Jocelyn Tabangcura Domenden