Home HOME BANNER STORY Mega oil price hike ulit! P8 sa gas, P18 sa diesel

Mega oil price hike ulit! P8 sa gas, P18 sa diesel

181
0

MANILA, Philippines – Muling haharap ang mga motorista sa panibagong big-time oil price hike simula Martes, Marso 24, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa abiso ng isang oil firm, tataas ng P8.00 kada litro ang gasolina at P18.00 kada litro ang diesel, na magmamarka ng ika-11 sunod na pagtaas para sa gasolina at ika-13 naman para sa diesel at kerosene.

Nauna nang tinaya ng industry sources na aabot sa P7.50 hanggang P8.50 ang dagdag sa gasolina at P16.50 hanggang P17.50 sa diesel, bunga ng nagpapatuloy na krisis sa rehiyon.

Sa kabila nito, iginiit ng Malacañang na walang oil supply crisis sa bansa at sapat ang suplay, bagamat kinilala ang nararanasang “price disruption.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here