Home NATIONWIDE 1 ‘gang 2 bagyo inaasahan ngayong Hunyo

1 ‘gang 2 bagyo inaasahan ngayong Hunyo

MANILA, Philippines – Inaasahang tatama sa bansa ang isa hanggang dalawang bagyo ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon sa PAGASA, ang projected na bilang ng mga bagyo ngayong buwan ay batay sa non-landfall at landfall tracks.

Iniulat ni Pagasa weather specialist Daniel Villamil na ang namataang bagyo, ang Tropical Storm Maliksi ay nasa 1,065 kilometro kanluran ng extreme Northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 90 kph at kumikilos pa-hilaga sa bilis na 10 kph.

Hindi direktang makakaapekto sa bansa ang bagyong Maliksi at hindi rin inaasahang palalakasin ang habagat. RNT/JGC